top of page
Writer's pictureGelo Vargas

Pagtatapos ng Taong 2020 para sa Kabataan ng Aliaga



Ang ilan sa mga prinsipyo ng mabuting pamamahala ay ang pagiging mapagkakatiwalaan at tapat. Dahil gusto ko na ako’y maging magandang huwaran bilang Mayor ng Aliaga, nandito po ang mga update sa aming mga aktibidad at programa sa Munisipyo nitong huling dalawang buwan.
Para kayo ay updated sa iyong mga buwis. Bukod sa pagtuon sa pag-aayos, pagtatayo muli ng nasirang bahay, at pamimigay ng mga relief goods pagkalipas ng bagyo, ang munisipyo ay nakatuon din sa pagharap sa mga isyu ng pandemya.
Kasama sa mga pagsisikap para sa Pambansang Buwan ng Bata itong dumaan na taong 2020 ang mga sumusunod:

1. Nakatrabaho namin ang lokal na PNP upang ipagtipon ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Seminar Workshop kung saan nakipartner ang pulisya at mga miyembro ng pamayanan upang turuan ang ating mga anak tungkol sa droga.


2. Pamimigay ng pagkain at diaper sa pandemya, isang nangungunang kahilingan ng mga mamayanan, na umaabot ng 7,000 na katao.



3. Nagkaroon din tayo ng pagbabakuna para sa panahon ng trangkaso para sa 400 mga bata.


4. Nagkaroon din po tayo ng drops para sa polio, umaabot sa higit na 7,000 mga bata na may edad 0-59 na buwan.



5. Upang matulungan ang mga guro at magulang na makayanan ang distance learning, nagbigay kami ng papel, mga copy machines, at toner para sa mga eskwelahang elementarya at sekondarya.


6. Namahagi din po tayo ng higit sa 5,500 pakete ng mga gamit sa paaralan para sa lahat ng mga mag-aaral mula kinder hanggang Grade 3


7. Tumayo rin tayo ng childhood care development center sa Munisipiyo.



8. Nagsimula ng relief distribution para sa mga mag-aaral sa daycare, na nagpapatuloy parin ngayon. Magbibigay po kami ng updates dito.


9. Ang pamamahagi ng mga gamit sa paaralan para sa mga mag-aaral sa Grade 4 hanggang 8 ay isinasagawa na rin.



10. Scholar Pay out sa Scholarship program noong December 14, 2020



Ang 2020 ay tiyak isang mahirap na taon. Naharap natin parepareho ang global pandemic at tsaka na rin ang mga lokal na bagyo. Alam ko para sa atin sa Aliaga, tayo ay nahirapan talaga. Pero hawak kamay, alam ko rin na kayang-kaya natin ito. Bilang alkalde, naniniwala ako sa pagiging tapat at pagsasalita ng malinaw. Kapag mayroon tayong problemang hinaharap, nais ko na ang unang tugon natin ay “Oo! Kayang kaya natin ito.” At ang pangalawang tugon ay, “May magagawa tayong paraan!”

At ngayon alam ko na nahihirapan tayo sa panahon, pero may magagawa tayong paraan, Aliaga! Wala pong iwanan dito. Pansamantala, manatiling ligtas at God Bless you all po.


Recent Posts

See All

Comentários


Os comentários foram desativados.
bottom of page