Unang una, maraming salamat sa ating frontliners at healthcare workers. Sa mga barangay tanod, contact tracers, at nars at doktor, maraming salamat sa iyong serbisyo at walang humpay na pagsisikap.
Sa kasamaang palad, ang pandemya ay hindi pa tapos. Tulad ng ibang mga lungsod, mayroong pagtaas ng mga kaso sa Aliaga. Ngunit may pag-asa pa rin.
Sinimulan na namin na bakunahan ang aming mga frontliner Habang naghihintay po tayo ng mas maraming pang supply ng mga bakuna, magpatuloy tayong manatiling alerto. Upang maiwasan ang pagtaas ng mga kaso, mangyaring tandaan na sundin ang ating mga health guidelines.
Mahalagang mag-ingat at alerto po tayo para sa mga sintomas ng COVID-19.
Kung ikaw ay may sipon, trangkaso, o mga iba pang sintomas ng COVID-19, tawagan ang iyong doktor agad. Kung hindi mo magawa, maaari kang tumawag sa Rural Health Unit (09169753397) upang humingi ng payo. Ito ay dahil posibleng mayroon kang COVID-19 at at maaaring kailangan mo mag-isolate.
Huwag po tayong mahiya o matakot humingi ng tulong.
Kung nasuri kang positibo sa COVID-19 gamit ng RT PCR Test, dapat kang manatili sa bahay. Karamihan sa mga taong may COVID-19 ay may sakit na banayad at gumagaling sa bahay nang walang pangangalagang medikal. Iwasan ang lumabas ng bahay kung hindi naman talaga kailangan, at iwasan ang pagtanggap ng mga bisita sa bahay.
Alam po namin na mahirap din mag-isolate dahil lahat po tayo ay kailangan lumabas upang magtrabaho. Kung kailangan mo ng tulong tulad ng relief goods at iba pang klaseng assistance, maaari mong sabihin lamang sa aking opisina.
Bilang ama, mamamayan ng Aliaga, at inyong punong bayan, ginamit ko po ang sarili kong pondo upang madagdagan ang quarantine capacity ng ating bayan.
Temporary measure to assist with isolation rooms—ginawang quarantine facility ang isang pribadong paaralan.
Sa ngayon simpleng facility lamang, ngunit napakahalaga ito sa pag-iwas ng COVID-19.
Ang programa nito ay galing sa aming sariling kakayahan at inaasahan naming mapabuti ito sa mga darating na araw.
Hangga’t kaya, nagpapadala kami ng mga donasyon at iba pang uri ng assistance sa mga lugar na may COVID. Hindi pa tapos ang pandemya, ngunit kung nagtutulungan tayo maaari tayong magtagumpay. Maraming salamat, Aliaga.
Stay safe and God Bless us all.
Kommentare