Ang aking minamahal na Aliaga,
Samahan niyo po ako sa pagpapadala ng taos-pusong pagbati at pagmamahal sa lahat ng mag-asawang sumali sa Aliaga’s Kasalang Bayan ngayong 2021.

Bukod sa pagmamahal na aming ipinagdiriwang kabilang sa mga ladies and gentlemen na ito na pinili ang isa’t isa upang maging habangbuhay na partner, nais ko ring magbigay ng payo bilang isang asawa, ama, kapwa Aliaganeno, at Alkalde sa lahat ng bagong kasal… Inaasahang kong makakatulong ang mga salitang ito upang gabayan kayo sa paglalakbay na ito.
Hinihikayat ko kayong mga bagong kasal na mamuhay ng masaya kasama ang isa’t isa. Gusto ko na tinutulong niyo ang partner niyo na maging malakas. Maglaan ng oras upang gawin ang mga simpleng bagay para sa kanila. Pakinggan ang isa’t isa sa kanilang mga pangarap at mithiin sa gitna ng mga paghihirap na binibigay ng buhay.
Nais ko ring ibahagi ang isang verse mula sa 1 Corinto 13:4-8, Ang Salita ng Diyos. Sana ang mga salita at karunungan ng ating Ama ay magbigay inspirasyon sa inyo habang kayo’y nagsisimula sa inyong paglalakbay sa buhay na magkasama.
4 Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. 5 Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sarilingkapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. 6 Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. 7 Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay.
8 Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroong paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kung may pagsasalita ng mga wika, sila ay titigil.Kung may kaalaman, ito ay lilipas.
Sa lahat ng bagong kasal, salamat muli sa pagpapahintulot sa iyong pag-ibig na maging isang inspirasyon sa aming lahat upang ipagpatuloy ang mga pangarap namin at makahanap ng kaligayahan sa buhay.

Ang Kasalang Bayan ay isang opisyal na mass marriage event kung saan ang lahat ng applicable fees na kailangan upang kumuha ng marriage license ay binibigyan ng free of charge galing sa LGU at pinangangasiwaan ng Alkalde.
Comments