top of page
Writer's pictureGelo Vargas

Mensahe Sa Pasko at para sa Katapusan ng Taong 2020 (Tagalog)

Simpleng Mensahe at Panalangin na Galing sa puso ko para sa inyo - Mayor Gelo Vargas, Aliaga Nueva Ecija



Itong taon ay isa sa pinakamahirap na taon na naranasan natin dito sa ating komunidad at sa bansa. Ang patuloy na pandemic dulot ng COVID-19, krisis sa ekonomiya, at ang mga bagyo na sumalanta sa ating lupa — nakakabigat ito ng puso kahit sa kapaskuhan.
Sa mga nakaraang taon, ipinagdiriwang natin ng sama-sama ang Pasko kasama ang isang ceremonial lighting ng Christmas tree sa Munisipyo. Mayroon rin tayong piyesta at masayang pagtitipon, ngunit itong taon ay kakaiba. Dahil kasalukuyang ipinagbabawal ang mga pagtitipong masa, ang ating pagdiriwang ngayong Pasko ay mas maliit, ngunit ito rin ay puno ng mahal at kahulugan!


Tayo’y bigyan pansin ang pag-asa, pagkakaisa, at pagsasama — na sa palagay ko ay ang tunay na kahulugan ng Pasko.

Nagpapasalamat kami sa mga frontliners — mula sa mga doktor, nars, bumbero, pulis, mga opisyal ng barangay, mga tanod, hanggang sa mga volunteers at ang mga partners sa government agencies, at sa mga mamamayan ng Aliaga. Maraming salamat sa lahat ng mga ginagawa niyo upang mapanatiling ligtas ang ating komunidad.


Tulad ng sinabi namin, hindi maliit na bagay ang pagsasakripisyo ng sarili para sa kapakanan ng nakakarami. Habang kami ay nagpaplano para sa susunod na taon, nais ko’y tayong lahat ay magkaisa para sa kabutihan ng komunidad. Kung tayo’y magtutulungan, walang anumang bagay ang hindi natin makakamit sa taong 2021.

Bagama’t mahirap ang taong ito para sa ating lahat, may ginhawa sa pag-asang darating! Sa kabila ng hirap ng panahong ito, ang ating kalooban ay hinding hindi hihina. Ang pag-asa ay walang hanggan.


Nais kong pagpalain kayo ng Diyos at magkaroon kayo ng isang masaya’t maliwanag na Pasko at isang mas Maliwanag na Bagong Taon sa ating lahat!




Recent Posts

See All

Comments


bottom of page