top of page
Writer's pictureMayor Gelo Vargas

Good Governance Matters

Hindi Tayo Makakaasang Uunlad at Mapapabuti ang Ating Lipunan Kung Walang Good Governance.

Unang una sa lahat, nais kong pasalamatan ang walang humpay na pagsisikap ng aming mga boluntaryo, mga kawani ng gobyerno munisipalidad, at pati na rin ng ating mga komunidad dito sa ating lungsod, ating mga kaibigan, at ating mga pamilya para sa suporta at paglalaan ng iyong oras upang mapanatiling ligtas ang ating lungsod sa nagdaang bagyong Ulysses.




Sa mga nakaraang araw ― sa pagitan ng aming pagiikot sa paligid ng Aliaga, sa mga pagbisita namin sa mga pam-pamilya ng ating komunidad, at habang binabasa at iniisa-isa ko ang mga pinadala niyo sa aming tanggapan na mga hiling at dinadaing― nagkaroon ako ng oportunidad na pagtuunan ng pansin at malalimang pagnilayan ang konsepto ng good governance.



Hindi tayo makakaasang uunlad at mapapabuti ang ating lipunan kung walang good governance.

Ngunit ano nga ba ang good governance o mabuting pamamahala? Iba-iba ang kahulugan at uri ng good governance, makikita ito sa iba’t ibang paraan ng pamumuno ng mga lider.

Sa isang malayang demokrasya, hindi lamang iisa ang tamang paraan at diskarte sa pamamahala ng ugnayang pampubliko,, paggamit ng mga pampublikong kayamanan at kagamitan, at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng publiko. Sa halip, nangangalap at kumukuha din kami ng inspirasyon,nais din naming tularan at hangarin ang mga tinatawag nating best practices o ang mga pinakamahusay na halimbawa o huwaran ng mabuting pamamahala.

Sa Aliaga, nais kong maging pundasyon ng ating lipunan ang apat na konseptong ito:

  • Nakikilahok at may kakayahan ang mga mamamayan

  • Epektibong napapagana ang ating mga komunidad;

  • May pakikiramay sa kapwa at tapat ng serbisyo; at

  • Pagsusunod sa naaayong pananaig ng batas

Kinikilala at kasama namin kayo, pinahahalagahan namin ang pakikilahok at kontribusyon ninyo. Sa aking mga minamahal na nasasakupan, nais kong ipaabot sa inyo na malaya tayong mag-usap sa isa’t isa, sabihin niyo sa amin ang inyong mga hiling at dinadaing at kung paano pa namin mapagpapabuti pa ang serbisyo namin sa inyo.

Responsibilidad namin bilang gobyerno na paglingkuran ang publiko at panatilihin ang seguridad at kaligtasan ninyo. Nilalayon naming mapaglingkuran kayo, hindi lamang sa panahong ito o sa hangganan ng aking termino,ngunit ninanais din naming mabigyan kayo ng seguridad sa aspeto ng inyong kalusugan, kaligayahan at kasaganaan sa kinabukasan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, inaasahan naming matamo ang isang lipunang walang kahit isang Aliagenong naiiwan at nahuhuli. Ninanais namin ang isang lipunan na matatag na may paggalang sa kapwa at dignidad ng tao.


Kahit pa man mas madali itong sabihin kaysa gawin, malaki ang tiwala ko sa mga hakbang na ginagawa natin ngayon upang maatim ito sa kinabukasan.


Walang lipunan, sistema, at pinuno na perpekto, ngunit ginagawa namin ang lahat sa aming makakaya, mula sa mga local na opisyal sa ating mga barangay, sina ‘kap’ -- hanggang sa mga opisyal natin sa ating munisipyo, upang tiyakin na ginagampanan namin ang aming mga tungkulin. Nang sa gayon, hindi kailanman mawala ang pagititwala ninyo sa amin..


Hinihiling ko sa inyo na Aliageno, na masugid na maging kritikal, mapanuri at maningil sa aming mga namumuno rito sa lokal na pamahalaan.. Ituro ninyo sa amin ang tamang direksyon o panawagan ninyo kaming magbigay-pansin kung sa tingin ang aming mga pagkukulang at lalo na kung dapat pa naming pagbutihin ang aming paganap sa aming mga sinumpaang tungkulin. Pantay pantay tayo rito, walang mas nakatataas o nakabababa. Ituring ninyo kaming inyong mga kasama at katuwang sa paglalakbay na ito. Malayo man ang daang kailangan nating tahakin, mapanghamon man ang trabahong ito, ngunit alam kong kaya natin it. Nagpapasalamat ako sa patuloy ninyong suporta at pagtitiwala sa akin mga kapwa ko Aliagenos.



Recent Posts

See All

Comments


bottom of page